56 Quotes
560 ratings, 4.22 average rating, 104 reviews
56 Quotes
Showing 1-23 of 23
“Akala ko noon pinakamalaking problema ko na ang naging problema ko sa eskuwela. Malayo pala sa katotohanan. Pero maaga akong tinuruan nito na maging matibay, at natuto agad akong pumili ng kakapitan. Napakahalaga noon dahil doon nakasalalay kung magpapadurog ka sa tadhana o magpapahulma nang matibay.”
― 56
― 56
“[K]aibiganin ang libro bílang bukal ng karunungan. Sa panahon ng impormasyon kung kailan ang kaalaman ay nasa dulo na ng daliri, ang kamangmangan ay malinaw na kapabayaan na lang at desisyon ng katamaran.”
― 56
― 56
“Dahil sa sandaling humigit ang sinumang tao sa paninindigan mo, matutulad ka na lang sa aso na humahabol kung saan man hagisan ng buto.”
― 56
― 56
“Pinipilit kong maging laging bukás ang isip, pero bukás para salinan, at hindi para lang palitan ang laman at muling isara. Sayang ang kapasidad kong kilalanin pang mas maigi ang buhay kung malilimitahan sa iisang pilosopiya.”
― 56
― 56
“Kung papanaw ka nang nasa kumportableng posisyon at masasabi mo muna ang pinakamahalagang bagay sa pinakaimportanteng tao sa buhay mo, wala na nga sigurong dapat hilingin pa.”
― 56
― 56
“Masarap man ang pagmamahal na kayang patunayan, ang wagas na pagmamahal, walang patunay na kailangan.”
― 56
― 56
“Mapapaisip ka kung tayo ang naging sinaunang tao na laging negatibo ang pananaw sa mundo, nakalabas pa kaya tayo sa mga kuweba?”
― 56
― 56
“Kapaki-pakinabang ang social media para sa napakaraming bagay, pero hindi para sa mga taong hindi gustong matuto.”
― 56
― 56
“Dahil ang matalino, kung hindi magbabahagi ng kaalaman, ay wala ring pinagkaiba sa bobo.”
― 56
― 56
“Mas interesante ang táong may natitira pang misteryo at hindi mukhang nakabulatlat na dyaryo.”
― 56
― 56
“Walang karapatang magpahayag ng pananaw ang walang kakayahan, oras, o tiyaga na umunawa sa binasa, tiningnan, o pinanood.”
― 56
― 56
“Tulad ng damit, may sukat din ang mga libro. Kung hindi kasya sa utak mo sa unang basa, subukan mo ulit sa ibang panahon... baka hindi ka na tanga.”
― 56
― 56
“[M]ahalaga ang ambience para ma-appreciate ang binabasa. Unfair naman sa libro kung babasahin mo ito sa maling pagkakataon at huhusgahan mo nang wala ka sa tamang mood.”
― 56
― 56